Wednesday, April 30, 2008

SEEK "CONFUSEDCONFUCIOUS"



I USED to love this site...my blogger.com site.


Put in a lot of time making it look like this.





But then...




1. It's like a snail...sooslooooow to download

( I actually feel like getting old while waiting for it).


2. It's makes my PC crash all the time (Just imagine the frustration of probably losing all my blogs).


3. Youtube isn't always connected to it (no moving pics makes for a boring site).


4. I still don't understand half the instructions it gives regarding how to manage my site (remember I AM a monkey?).

5. I always get this message: "Not Responding. Try Again Later".

Well, I just got tired of "trying again later". I've decided to move to multiply.com under the name confusedconfucious.


  1. It's like a turtle now. Definitely much faster than a snail.

  2. With a lot less subcribers, I think it won't crash in the future (I'll keep my hairy fingers crossed).

  3. Youtube vids are available in a bigger format right between the blogs (not thumbnails!)

  4. It responds to my beck and call.

  5. I figured out how it works in just a couple of days. (I think.)



I'm happier monkey now.




If you don't see any new post after this, visit the links I've attached right here and see you all on my new and improved site: http://www.confusedconfucious.multiply.com/




LOVE AND KISSES

MATALINONG MATSING


Monday, April 14, 2008

IT'S A CRAPPY DAY

YOU'RE bored.
You've been staring out at that same old office window for the whole day, waiting for something exciting to happen.

You imagine a spaceship landing right in front of your office and you, being abducted by aliens.
You wish you get probed by them.

You snap out of it only to discover that your boss' car just landed in that same spot (your office parking lot), then you get probed and shouted at for not doing anything the whole day.
That's a crappy day.


Post your own crappy day experiences.
Procrastinators unite!

Saturday, April 5, 2008

'BAGETS' : BADUY BUT BELOVED



PARA sa akin ang pelikulang "Bagets" ng Viva Films ang pinakakorning pagsusuma ng buhay-tinedyer noong Dekada '80. Sa sobrang kakornihan nito, natatawa kami ng misis ko tuwing napapanood namin ito sa cable TV. Natatawa pero nagno-nostalgia. Guilty pleasure, 'eka nga.


Sunod usong-Bagets din kasi kami noong 1984 (edad-trese kami noon). At unti-unti kong nadi-discover sa mga kuwentuhang-inuman kasama ng mga kaedad ko ngayon (trentahin na kami) na nasaan ka man naroon sa 'Pinas noong pinalabas ito sa sinehan, malamang pa-bagets-bagets ka rin.


'Eto ang "Ultimate Bagets Quiz" . Kung alam mo ang karamihan sa mga sagot sa tanong na ito, itanggi mo man, ikaw din ang magbibisto sa tunay mong nakaraan: (ANSWERS are at the end of this piece.)


1. Sino ang kumanta ng theme song ng "Bagets" na may linyang "... I'm growing up, getting down, putting my both feet on the ground..."? Diabetic siya.


2. Sino sa limang castmembers ng "Bagets" ang nakasalamin? Vice Mayor na siya ngayon.


3. Sino ang pinakamatandang miyembro ng cast "Bagets" na sa tunay na buhay ay pinakasalan ang ka-love team niya sa pelikulang ito?


4. Sino ang ka-loveteam ni JC Bonnin sa pelikula?


5. Ano ang title ng dance anthem ng pelikula? Sinasayaw ito sa pamamagitan ng pagse-shake ng isang nakataas na braso, closed fist ( a la flying Superman), at ang isang kamay naman ay nakatapat sa tenga?


6. Ano ang sinasakyan ni Herbert Bautista noong nakilala niya si Jobelle Salvador?


7. Paano namatay ang karakter ni Yayo Aguila?


8. Anong kanta ni Raymond Lauchengco ang background music sa date sequence nila ni Eula Valdes?


9. Dalawa sa limang "Bagets" ang walang ka-date sa prom night sequence ng pelikula. Sino sila?


10. Sinong foreign singer ang ina-idolize ni Aga Muhlach sa movie?


MGA SAGOT:



1. Sino pa, di si Gary Valenciano. At kung alam mo ang title nito-- "Growing Up" -- malamang alam mo rin ang buong lyrics.


2. Si Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista.


3. Si William Martinez. Kinailangan siyang isama dahil siya ang pinakasikat na heartthrob noon. Malaking risk kasi ang pelikulang puro bago ang artista kaya hiniram siya from Regal Films. Ka-loveteam niya ang misis niya ngayong si Yayo Aguila.


4. Si Chanda Romero. May-December affair ang drama nila.


5. "Just Got Lucky" ng Joe Boxers. Hanggang ngayon ito pa rin ang isa sa most identified dance step 'pag Dekada '80 ang topic.


6. Bisekleta ang sinasakyan ni Bistek nu'ng makita niyang nagdidilig ng halaman si Jobelle. Nahulog pa siya nang ma-love at first sight siya sa dalaga. Falling in love, literally.


7. Namatay sa car crash ang karakter ni Yayo. Nakipag-drag race kasi si William habang angkas siya sa kool na kool nilang dune buggy.


8. Ang walang kamatayang "So It's You". Highlight ng sequence na ito ang pagkanta ni Raymond na naka-black tux siya at si Eula naman nasa gitna ng isang malaking staduium (Rizal Memorial?) at nakasuot ng pang-Santacruzang gown. Surreal.


9. Sina Aga (dahil may asawa na ang love interest niya rito na si Baby Delgado) at si Herbert (dahil sa ending pa ng pelikula niya mapapasagot si Jobelle dahil akala niya boyfriend nito si Mon Alvir-- pinsan pala).


10. Sino pa, si Michael Jackson. Sumayaw pa si Aga ng "Wanna Be Starting Somethin" na tuluyan nang nagpabaduy kay Michael Jackson sa mga Pilipino.




REFLECTION:


Kung napangiti ka ng 8 out of 10 questions dito at alam mo ang sagot mentally (kahit ayaw mong sabihin verbally), naki-"Bagets" ka rin pala noon. At malamang hanggang ngayon, naggi-gel ka pa rin. May nakatago kang Topsiders na pang-driving (lame excuse). At 'pag natutuwa ka sa sinabi ng isa mong kausap, sasagot ka ng "Nice one! (Sabay apir.)


Kung napag-isip ka ng 5 out of 10 questions dito at habang sinasabi mong "Oo nga, no. Naalala ko na," closet-"Bagets" ang tawag sa'yo. Pilit mong kinakalimutan ang '80s. Kasi siguro wala kang kabarkada noon. O wala kang naging boy friend o girl friend. In short, kulang sa pagkabata.

Kung wala kang alam (0 ang score mo), you need to see this flick. You're either too young or chromosome ka pa lang noong pinalabas ito. Para maunawaan mo kung bakit may mga pag-uugaling baduy ang parents mo or mga nakakatanda mong kapatid, panoorin mo ito dahil ganito sila noon. Baduy na talaga... pero kool. Nice one!!! Apppiiir! -- LjI. Nob.2005